Tito of 6 Pamangkin
Sept. 6, 2014. 1:32AM
I have 6 pamangkin. 5 sa panganay at isa sa isang pang kapatid. Age 14, 12, 10, 7, 4 at 2 months old. 4 na babae at 2 lalake.
Lahat sila ay dumaan sa mga bisig ko noong mga maliliit at mga beybi pa sila.
Masaya ako kapag nasa bahay namin sila, pero minsan naiinis ako dahil mga makukulit, pasaway at maiingay sila.
Naroon na mag aalala ako kapag may mga sakit sila, naroon na natutuwa ako sa mga bagay na ginagawa nila kapag masigla sila.
Hindi lahat ay kasundo ko, pero lahat sila ay gusto ko.
Maswerte na nga ako at may mga pamangkin ako na tumatawag sa akin na "tito". Na sa paglipas ng panahon, maaaring hindi na kami magkakasama palagi, sana huwag nila akong kalimutan na laging naghihintay lang na mapansin nila.
Marami pa akong pagdadaanan kasama sila, kaya nagsisimula palang ang role ko bilang "tito" nila.
No comments:
Post a Comment