Sept. 6, 2014. 1:58AM
Tito meets Tenten
Ang bunso sa limang magkakapatid at anak ng yumaong panganay na kapatid ( dahil sa ovarian cancer ).
Napalapit sa akin ito habang nagkaka-edad na. Ngayon 4 na taon na siya, sunod sa luho at gusto niya kapag nakakakuha siya ng very good stars sa kanyang klase.
Pinapasyal ko sa mall at naglalaro sa arcade games at kumakain kami sa paborito niyang jollibee. After kumain, namimili kami ng damit o bestida na gusto niya kahit na sobra sa budget ang presyo. Minsan lang naman kaya hindi na dapat ipagdamot pa sa pamangkin na bilhan sila ng bagay na gusto nila.
Isa na siguro sa dahilan ay dahil sakitin si Tenten, kaya naman ako ang gumagastos halos ng pang check up at pambili ng mga gamot nito at pati sa mga kakainin nito ay ako ang punong abala. Hindi ko na inaasahan na magbigay pa ng suporta sa pinansyal ang ama niya dahil na rin sa may ugaling tamad sa paghahanap buhay para buhayin ang 5 anak niya ng maayos.
Aminado ako na spoiled sa akin ang bunsong pamangkin, pero kapag may mali siyang ginawa, bahag ang buntot niya sa pagdedesiplina na ginagawa ko sa kanilang magkakapatid.
Its all about the role of the TITO to his pamangkin. IG: @chardeealojado Twiter: @akosichardee Wechat: IamChardee
Friday, September 5, 2014
Tito of 6 Pamangkin
Tito of 6 Pamangkin
Sept. 6, 2014. 1:32AM
I have 6 pamangkin. 5 sa panganay at isa sa isang pang kapatid. Age 14, 12, 10, 7, 4 at 2 months old. 4 na babae at 2 lalake.
Lahat sila ay dumaan sa mga bisig ko noong mga maliliit at mga beybi pa sila.
Masaya ako kapag nasa bahay namin sila, pero minsan naiinis ako dahil mga makukulit, pasaway at maiingay sila.
Naroon na mag aalala ako kapag may mga sakit sila, naroon na natutuwa ako sa mga bagay na ginagawa nila kapag masigla sila.
Hindi lahat ay kasundo ko, pero lahat sila ay gusto ko.
Maswerte na nga ako at may mga pamangkin ako na tumatawag sa akin na "tito". Na sa paglipas ng panahon, maaaring hindi na kami magkakasama palagi, sana huwag nila akong kalimutan na laging naghihintay lang na mapansin nila.
Marami pa akong pagdadaanan kasama sila, kaya nagsisimula palang ang role ko bilang "tito" nila.

Subscribe to:
Comments (Atom)